Kwentaxi by Juana C: Rockstar

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a Vilma Santos-quoting man behind the wheel whose love challenges boundaries.

Juana C: Sa UP po mama.
Taxi Driver: Pakituro na lang po. Di pa ako nakapaghatid dun eh. Isang taon pa lang ako sa taxi.
JC: Ano ka dati kuya? May arrive ka ha. In fairness to you.
TD: Salamat teh. Merchandiser ako dati.
JC: Anyare?
TD: Pinaalis ako ng amo ko.
JC: Shinota mo ang amo mo at nahuli kayo ng asawa nya noh?
TD: Ha-ha! Hindi ah! Yung receptionist tsaka yung accountant.
JC: Huh? Dalawa? Sabay?
TD: Oo!
JC: Alam nila na sabay sila?
TD: Dahil sa chismis.
JC: Pareho mo silang mahal?
TD: Oo naman! Isang 19 atsaka isang 36. Ako 34.
JC: Si misis alam?
TD: Todo tanggi siyempre.
JC: Ano ba ang pananaw mo sa pag-ibig kuya? Share naman.
TD: Da mor da many-yer! Ang puso kasi kayang magmahal ng higit sa isa eh. Lalo na ata kaming mga lalaki. Kaso maraming mapang-husga.
JC: Ha-ha! Judgemental? Kuya, parang tama ka naman na kaya ng pusong magmahal ng higit sa isa. Dapat ba alam ng lahat ng kasangkot?
TD: Kung di naman masasaktan misis ko sasabihin ko lahat eh.
JC: O, baka ikaw ang takot na masaktan ni misis? Hehe!
TD: Yung bespren ni misis naging gelpren ko rin.
JC: Hala! Ikaw na kuya! Tapos….
TD: Nung nabuking, pinagbati ko naman sila.
JC: Success?
TD: Nagbati naman. Mag-bespren sila eh. Sayang naman pinagsamahan nila kung masira dahil lang sa akin. Mismo si Vilma Santos nagsabi di ba? Anong pelikula nga ba yun?
JC: Bata Bata, Pano ka Ginawa?
TD: Di ko maalala tiltle pero natandaan ko yung sabi nya, “Ang pag-ibig hindi dini-divide, dapat minu-multiply!”
JC: Wahahaha!
TD: Sa hirap ng buhay dapat lang naman na kaya nating pasayahin ang sarili natin. Hindi naman tayo napaligaya o napa-asenso ni PNoy di ba? Alam mo yan. Kaya ako, ang kaligayahan ko, sagot ko!
JC: So happy ka ngayon?
TD: Dapat ang tao laging happy! Si Enrile nga siguro happy din sa kulungan eh. Simpleng buhay. Ha-ha-ha! Gusto nya happy tayo. Kaya ako, beri happy!
JC: Pak na pak! May tama ka kuya! Napa-happy mo rin ako sa umagang ito. Salamat powz! Sana malaki kitain mo sa araw-araw para lalong mas happy lahat.
TD: Naiintindihan naman ng operator ko ang buhay taxi drayber eh. Mabait sya.
JC: Hmmmm… Mabait sya? Kuya, tama ba ang hinala ko?
TD: Kailangan pa bang i-memorize yan?
JC: Wahahaha! Happiness! Isa kang rockstar!

This is not a work of fiction. This conversation took place on Oct 13, 2014. Photo: Geric Cruz

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when fed to babies
– Ituloy ang VFC, Jennifer Laude finds a supporters in Manong Driver
–Driver duped by passengers three times



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on