Kwentaxi by Juana C: Kadugtong

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a taxi driver whose ultimate sacrifice was to end a blissful two-year extramarital affair. 

Taxi Driver: Magkaibigan kami. Dun nag-umpisa. Isang taon kaming prends lang talaga.
Juana C: Tapos…
TD: Isang gabi nag-inuman kami, hinatid ko siya sa bahay tapos nung magpaalam ako, magkape daw muna.
JC: Pero siya ang hinigop niyo? Haha!
TD: Kinain pa kamo.
JC: Haha! Ang bangis! Faithful ba kayo kay misis.
TD: Isa lang, hindi marami. Halos dalawang taon lang kami.
JC: Bakit kayo kumaliwa?
TD: Hindi lahat ng bagay kayang ipaliwanag. Hindi ko maipaliwanag.
JC: Mahal niyo rin sya?
TD: Oo naman. Ang bait niya eh. Hindi niya planong kunin ako sa asawa ko. Pwede lang daw bang maki-mahal.
JC: Magandang title ng pelikula yan ah, “Pwede bang maki-mahal?” Eh bakit nag ending? Sana happy lang, walang ending!
TD: Kasi alam ko darating at darating ang panahon, mahuhuli din ako.
JC: So takot kayong mahuli?
TD: Takot akong makasakit. Mabait din kasi ang asawa ko. Iniisip ko din pamilya ko siempre. Lalo na ang mga anak namin.
JC: Eh siya, sinong nag-iisip para sa kanya?
TD: Sinabi ko naman din sa kanya na hanggang dun lang ako.
JC: Eh di ba sabi naman niya, nakiki-mahal lang sya.
TD: Nasabi ko rin sa kanyang mahal ko sya. Kasi mahal ko talaga sya. Ang mali siguro timing. Sabi ko nga kung una ko siyang nakilala malamang sya ang asawa ko at hindi ang misis ko eh.
JC: Eh di ba ho sabi ni Ate Vi, “Ang pag-ibig minumultiply, hindi dini-divide!”
TD: Sa pelikula lang iyan. Sa totoong buhay ang pag-ibig ay, “It’s complicated.”
JC: Kung nahuli kayo, ano gagawin niyo?
TD: Hihingi ako ng tawad sa asawa ko.
JC: Eh kung hindi kayo patawarin?
TD: Naku huwag naman. May mga anak na kami. Tatlo at puro babae.
JC: Kung lang nga. Kung ganun kasakit sa kanya at hindi niya kayo mapatawad.
TD: Wala akong magagawa kung ayaw niya. Nagsakripisyo rin ako. Tinuldukan ko nga eh. Pero yun ang kasalanang hindi ko pagsisihang nagawa ko dahil naging napaka-mapagmahal nung isa. Masaya rin ako sa kanya. Hindi niya ako binigyan ng problema sa dalawang taon naming pagkikita.
JC: Natawa ako dun ah. Pagkikita at hindi pagsasama. Hihi! Kasi kabit nga.
TD: Ayaw ko nga siyang tawaging kabit eh. Pangit ang salitang yan at hindi bagay sa kanya.
JC: Ano kaya?
TD: Kadugtong!
JC: Sana di nyo kinailangang ilaglag ang isa para sa isa ano? Nagsisi ba kayo?
TD: Hanggang sa pamama-alam ko, hindi niya ako pinahirapan. Iyan ang nagawa namin para sa pag-ibig. Siya para sa akin ay ang palayain ako kahit ayaw pa nyia. At ako para sa asawa ko ay itigil na kahit ayaw ko pa.
JC: Salamat at para na ho sa tabi. Sa bahay na ako iiyak.

Illustration: Bank Jaruthammakorn

This is not a work of fiction. This conversation really took place during a taxi ride in Makati on Nov 17. 

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– Rockstar, a Vilma Santos-quoting polyamorous taxi driver
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when given to babies

Pagsuway sa Senadora



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on