Kwentaxi by Juana C: Kaerus

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she meets a taxi driver who, despite a series of unfortunate incidents in life, lucked out with his youngest child.
 

Taxi Driver: Naging security din ako. Naging caretaker na ako ng fishpond sa Quezon province, driver ng armor car, ngayon driver ng taxi. Sabi nga ng misis ko baka daw sa susunod tricycle na.
Juana C: Hahaha!
TD: Nag drive na din ako ng kariton nung mag business ako ng tokneneng. Alam nyo yung tokneneng?
JC: Naman! Yung itlog?
TD: Yun! Yung binabalot ng arinang orange. Nagluto din ako ng mami.
JC: Ok naman?
TD: Hindi eh. Kasi hindi maiwasan ang inggitan sa mga nagtitinda. Riot!
JC: Riot agad?
TD: Oo! Nagtinda rin sila ng tokneneng. Siyempre pag mas marami sila mas siga. Under ka nila. Sisiraan paninda mo. Sasabihin, “Huwag kayo kumain dyan. Pangit luto dyan.” O minsan pag nakatalikod ka bibiyakin yung gulong ng kariton mo.
JC: Grabe naman.
TD: Lumipat lang naman kami kasi naanod buong bahay namin nung Ondoy kasi tabing ilog kami. Dala lahat. Back to zero. Umpisa ulit. Pagdating naman ng habagat dale na naman. Bangon pa rin.
JC: Fight ng fight.
TD: Oo naman, parang gulong lang ang buhay. Pero may swerte din kami ha? Yung isa kong anak, si Kaerus. Sinuwerte kami sa kanya.
JC: Ano ang kwento ni Kaerus? Boy?
TD: Babae si Kaerus. Nung manganganak na si misis, nag-bus kami kasama anak ko papunta dun sa komadrona nya. Magaling talaga yun kaso di na makalakad kaya kami ang pumunta sa kanya. Atsaka mura, PHP1,500 lang ang singil. Registered na komadrona talaga yun.
JC: Saan nyo pinuntahan?
TD: Sa Muson. Kaso pagdating pa lang namin sa San Jose Del Monte, wala na, pumutok na yung palatubigan nya sa bus. Hanggang lumabas na ang kalahati ng bata.
JC: OMG. 
TD: Buti kamo natapat kami sa Kairos. Ospital yun ng mga mayaman. Sikat yun. Takbo ako. Tinanong ko kung magkano magpa-anak?
JC: Ansabe?
TD: Nineteen thousand pesos daw ang package nila pag normal. “Patay na.” sabi ko. Nakalabas na naman kalahati ng anak ko, baka pwede kalahati na lang bayad, sa isip ko lang.
JC: Hahahaha!
TD: Humingi pa ako ng tulong dun sa bus kaso hindi nila ako nabigyan. Balik ako sa ospital. Emergency eh, siempre kapit ka na sa patalim.
JC: Ako nate-tense sa kwento nyo eh, oh tapos…
TD: Inassist naman nila kami agad. Eto na kamo, nung lalabas na kami sa ospital, isang linggo kasi kami dun bago kami pinauwi eh.
JC: Bayaran na.
TD: Hindi kami sinigil kahit piso, binigyan pa kami ng pabaong dalawang libo!
JC: Wowowow!
TD: Kasi nakita nila pangalan ng baby ko, Kaerus din. Yung anak ko na maliit kasi, sabi sa akin, “Tay, ilagay mo din yung pangalan ng ospital.” Sinunod ko naman. Kaya naging MC Kaerus. Maximo Corpus Kaerus.
JC: Maximo Corpus Kaerus na babae.
TD: Pag basahin yang MC parang misis na walang S.
JC: Ah, gets ko na. Ang wais ng anak nyong maliit. Nalibre na kayo, may bonus pa! Bongga!
TD: Tama ka. Pero sabi nung mga taga Kaerus, huwag na daw namin ipagsabi. Baka gumaya pa daw yung iba. Sinuwerte daw kasi sila sa anak namin. Dumami customer.
JC: Haha! Customer talaga?
TD: Kung dati dalawa o tatlo lang nanganganak, nung dumating anak ko napuno daw sila! Tuwang-tuwa sila eh.
JC: Swerte nga! At marunong silang magpasalamat sa swerteng hatid ni Kaerus.
TD: Bumalik pa kamo yung kasama namin sa bus na tumulong sa aming magbuhat kay misis. Dinalhan kami ng damit atsaka isang libo.
JC: O ha! Atliiiiit! Hindi laging patalim ang ibinabato sa inyo ng buhay di ba?
TD: Opo! Minsan binabato kami ng pandesal, na may palaman pang peanut butter.

Illustration: Bank Jaruthammakorn

This is not a work of fiction. This conversation really took place during a taxi ride in Makati on Nov 17. 

 

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– Rockstar, a Vilma Santos-quoting polyamorous taxi driver
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when given to babies

Pagsuway sa Senadora

 

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button. 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on