Kwentaxi by Juana C: Huwag kang gago!

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she teaches a wily taxi driver a lesson he’ll never forget. 

Juana Change: Kuya, sa Reposo.
Taxi Driver: (Irritated) Saan? Saan?
JC: Sa Reposo po, bago mag JP Rizal. (Friend calls.) Kuya, daan muna tayo ng Kamagong ha?
TD: Sabi mo Reposo.
JC: Opo pero kaibigan ko yung tumawag, nagpapadaan lang. Tatayo na siya sa kanto. Di na tayo maghi-hintay.
TD: Sige. Dagdagan mo na lang ako ng singkwenta.
JC: Ho? Ano ho? Sa ano hong kadahilanan at nagpapadagdag kayo ng singkwenta pesos?
TD: Matrapik dun eh.
JC: Kahit naman ho saan matrapik ah.
TD: Kung ayaw nyo, eh bumaba na lang kayo at humanap ng iba.
JC: Ano? Paki-ulit ang sinabi nyo.
TD: (Bumagal ang takbo at tumabi.) Baba na! Humanap kayo ng iba kung ayaw nyo.
JC: Nakikita nyo bang nasa madilim at ilang na lugar tayo?
TD: Singkwenta lang eh.
JC: (Sa dumadagundong kong boses.) Tarantado ka ah! Huwag kang kupal ha! (At lalo ko pang itinaas ang boses ko na halos gumalaw ang taxi sa lakas ng sigaw ko.) Subukan mo akong ibaba sa di ko gustong babaan mama. Magsubukan tayo! Hayop ka! Sisiguraduhin kong mare-report ang kawalanghiyaan mo para tuluyan ka nang hindi makapang gago ng pasahero. (At itinaas ko pa for the third time ang boses ko na halos mapatid ang ugat sa leeg ko.) GAGO KA MAMA! HUWAG KANG GAGOOOOOOOO! (At umandar siya hanggang nakarating kami sa Kamagong at sumakay ang kaibigan ko.)
Friend: Huy! Bakit namumula mukha mo?
JC: Natural na blush yan.
Friend: Bakit nga?
JC: Later my friend, later! (Hindi na kumibo ever si mamang taxi driver. Tiklop ang bibig at nakayuko pagbaba namin. Sakto ang binayad ko.)

This is not a work of fiction. This conversation really took place during a taxi ride in Makati. 
 

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– Rockstar, a Vilma Santos-quoting polyamorous taxi driver
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when given to babies

Pagsuway sa Senadora

 

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button. 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on