Kwentaxi by Juana C: Take three

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she meets a driver sweet lover. 

Juana C: Mama, sino ba yang ka text nyo? Bad ho yan pag nagmamaneho. Damay ako pag na-aksidente kayo.
Taxi Driver: Sensya na ho. Eto naman kasing mga babae ko di magkaintindihan. Nauubos na load ko kakasagot.
JC: Mga babae niyo! “Mga” talaga? Ilan?
TD: Haha! Tatlo ho, ang nanay ng apat kong anak.
JC: Akala ko ho jeepney driver lang ang sweet lover, pati taxi driver pala.
TD: Ay hindi ho ako ganun. Kasama lang siguro sa guhit ng palad ko. Hindi po ako nagsasabay-sabay.
JC: Paano style niyo?
TD: Sunud-sunod lang ho. Yung una ko ho masyado pa akong bata kaya mapusok, 18 pa lang ho kaming dalawa. Wala pa kami pareho sa tamang huwisyo. Puro puson pinairal. Hehe!
JC: Hahaha! Yan ho ba yung pag-ibig na hinugot sa langit?
TD: Haha! Sa pantalon lang ho.
JC: Hahahaha! Yung sa pangalawa may pinaghugutan din kayo am sure.
TD: Baril ho! Joke (sabay tawa ng malakas.) Napikon ako dun, 25 na ho ako nung magsama kami. Naging napakamukhang pera. Epekto ho ata ng pinagtatrabahuhan. Taga Pagcor yun eh. Nilayasan ko. Masyadong demanding. Palibhasa gusto mayaman tapos sa akin bumagsak. Eh driver lang ho ako. Di ko kaya mga demand nya. Sabi ko humanap siya ng maraming pera.
JC: Nakatagpo ba?
TD: Oho! Sinunod naman nya payo ko. Seaman ang nakuha. May datung. Nung makatagpo na siya ng mapera, di masaya na sya. Dahil nakawala ako sa kaniya, di ako rin masaya na.
JC: Free again!
TD: Oho! Kalokohan ho yung magtiis at magpaka martir. Kung hindi sila masaya sa iyo o ikaw sa kanila, palayain niyo isa’t- isa para walang sakit ng ulo.
JC: Bakit parang sakit ng ulo din yung ka-text niyo kanina? Yung mga babae niyo ‘kaniyong hindi magkaintindihan? Yung pangatlo na yun di ba?
TD: Hahaha! Oho! Inirereklamo yung dalawang anak naming babae ni misis. Ayaw daw tumulong sa tindahan. May pwesto po kasi kami ng gulay.
JC: Kamusta naman ho itong pangtalo niyo.
TD: Ah mabait ho ito tsaka masipag. Matanda ako sa kanya ng 14 years.
JC: Kayo ba mabait din sa kanya?
TD: Aba! Libre ho sya ng taxi sa akin. Tuwing bago ako gumarahe, susunduin ko sya sa bahay namin ng mga alas tres ng madaling-araw para mamili kami ng gulay sa Baclaran. Katuwang ko ho si misis sa paghahanap-buhay.
JC: Ikaw na, kuya! Mula sa libog, ikaw ay nagpalaya at lumaya. At ngayon may mabait at masipag na katuwang sa buhay.
TD: Hahaha! Nagbabago po kasi ang ugali ng tao. Yung minahal mo today can change tomorrow. At pag may change, adjust ka lang.
JC: Hahaha! Kaya nakatatlo kayo sa kaka-adjust.
TD: Oho, because we wanna Juana Change.
JC: Naks! Me ganun talaga?
TD: Ngayon ko lang ito ikinuwento sa pasahero ko. Ramdam ko, keri niyo kwento ko.
JC: Tatandaan ko ho ang sinabi niyo, “Yung minahal mo today can change tomorrow. At pag may change, adjust ka lang.”

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
Tomoh! A taxi driver’s inspiring story 
Uber Papa, Juana C orders an Uber and gets a dreamboat driver
Huwag kang gago, Juana C teaches a wily taxi driver a lesson he’ll never forget
Soria, Juana C meets the taxi driver from hell
Kaerus, Juana C meets a taxi driver who lucks out with his youngest child

 

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button.



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on