Unggoy nakawala, kinagat ang isang bata

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

 

ILOCOS NORTE — Inatake at kinagat ng isang nakawalang unggoy ang isang bata sa Batac, Ilocos Norte.

Sugat sa ulo at paa ang tinamo ng anim na taong gulang na si alyas ‘Baby’ matapos siya atakihin ng isang nakawalang unggoy sa Barangay Baay.

Ayon sa tricycle driver na si Alexander Tariga, ihahatid sana niya si Baby sa paaralan kasama ang ate at tatlong kaklase nito nang biglang sumalubong sa daan ang nakawalang unggoy.

Unang inatake ng unggoy ang ate ni Baby na naka-back ride, pero nanlaban ito.

Sunod na inatake ng unggoy si Baby.

Ayon kay Baby, wala na siyang nagawa kundi iyuko ang ulo at pilit na siyang sinabunutan at kinagat ng unggoy.

Hinila naman ni Alexander ang unggoy pero tapos nang makagat ang bata.

Nakatali na ngayon ang nakawalang unggoy na pag-aari ng pamilya Sales.

Hindi na nagpaunlak ng panayam ang may-ari, pero ayon kay Barangay Chairman Romeo Bagaoisan, nakawala ang unggoy matapos masira ang tali nito.

Aniya, pangalawang beses na raw itong nangagat ng unggoy.

Hiling naman ng ina ni Baby na ipaubaya na lang sa mga otoridad ang pangangalaga ng unggoy. Pumayag naman ang may-ari nito.

May isa pang alagang unggoy ang pamilya Sales pero sinisiguradong hindi raw naman ito nangangagat. Umagang Kay Ganda

This story is re-published with permission from ABS-CBNNews.com.


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


Use your Coconuts, subscribe to our newsletter:

* indicates required



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on