Kwentaxi by Juana C: Taxi driver remembers relationship with passenger Martin


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, meet a taxi driver who had an affair with a male passenger.

Juana C: Kainis! Pangit ng ugali! Che!
Taxi Driver: Madam Holy Week na po. Bakit mainit ang ulo niyo?
JC: Bawal ba magalit porket Holy Week?
TD: Pinapatawa ko lang kayo. Relax!
JC: Na Lunes Santo ako ng bwisit na ddddrayber na yun. Pinaupo muna ako sa loob bago sinabing ayaw niya akong ihatid sa Makati. Sana bago ako pumasok di ba? Ngayon pa talagang masakit ang tuhod ng lola mo. Haay! Anyway, salamat kuya at tinanggap mo ang beauty ko. ‘Sensya na, ha? Sorry powz!
TD: Magaan ang dating niyo sa akin kahit galit kayo.
JC: Owz! (Sabay pikit-bukas ng mata nang mga five times.) Why naman?
TD: Huwag kayo magagalit, ha? Puwede ba ako magkwento sa inyo?
JC: Ay oo, oo naman! ‘Yan nga ang hinahanap ko eh, kwento!
TD: Nangyari na ito sa akin, eh. May naging pasahero ako dati na di rin pinasakay. Papunta siya ng Music Museum nung pinara niya ako. Nagmamadali dahil may show pala siya duon nung araw na yun.
JC: Ah! Hehe! Tagasalo ka pala ng mga maiinit ang ulong pasahero. Napapakalma mo kami.
TD: Naging kami!
JC: Bwahahaha! Ayos ang segue mo, ah. Talaga? Anyare?
TD: Nung nasilip ako sa salamin, kamukha ko daw si Robin Padilla!
JC: Bakit di ko napansin yun. Patingin nga. (Sabay sulyap ang beauty ko sa salamin.)
TD: Hahaha! Ilang taon na ho nakaraan. Hindi na siguro ngayon. Bigla ko lang talaga siyang na-miss pagsakay niyo.
JC: Lakas naman ng dating sa ‘yo ng pasahero mong ‘yun.
TD: Nag request siya na ako din sumundo sa kanya pagkatapos ng show niya. At yun ho ang ginawa ko.
JC: Inantay mo?
TD: Oho! Yun ang naging umpisa ng maiksi, masaya at may lalim din naman naming pag-iibigan. Naks!
JC: Naks na naks! Kuya ang drama mo. May tamang senti ka talaga sa kanya?
TD: Parang ganun. Never po kami nag-away nun. Pramis! Ang bait at napakasayang kasama.
JC: Ikaw na kuya!
TD: Hindi ko nga alam kung bakit at papano ako napa-oo nun na ihatid ko siya sa Pampanga, eh.
JC: Di ba ang pag-ibig habang pinapaliwanag lalo lang nakukumplika? Dapat ang love ine-experience at nagpapapaka-totoo lang. Naks! Ayan nahawa na ako sayo.
TD: Nasaan na kaya siya ngayon?
JC: Baka nasa ibang taxi lang. Joke!
TD: Kasi nag-Dubai na siya. Madam Juana, hindi na ako mahihiya sa iyo ha?
JC: Kanina pa naman di ba? Hehe! Gow kuya! Ilabas mo na yan.
TD: Ang sarap niya ka-sex. Sa mga parking lot na walang tao kami nagyayarian.
JC: Watch your mouth kuya. You are talking to a lady. Yarian talaga? Holy Week na kaya. Char! So I guess masarap siya at magaling.
TD: At malaman at singkitin din tulad mo.
JC: (Napaubo ako) Kuya bawal ang karne ngayon. Umayos tayo.
TD: Hahahaha!
JC: Haba ng hair nun kuya ah. Para maalala at ma-miss mo siya ng ganyan.
TD: Martin ang pangalan niya. Martin Panting. Ang linaw ng mukha nya sa akin ngayon, pramis!
JC: Saan ka man ngayon Martin, sana mabasa mo ito at ramdamin ang pagmamahal ni Kuya Robin sayo! Para kang latay kung umibig, nagmamarka ka! Ikaw na teh, ikaw na!



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on