Kwentaxi by Juana C: Ayoko nang bumoto


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she talks to a disgruntled driver who has lost faith in the electoral and political systems.

 Juana C: Bakit naman hindi ka na nakinig sa SONA? Last na iyun.
Taxi driver: Sayang lang ang oras. Paulit-ulit. Kakasawa.
JC: Ang sungit mo naman kuya. Binoto mo ba siya?
TD: Hindi ako nakaboto nu’n.
JC: Bakit?
TD: Nawala yung pangalan ko.
JC: Taga saan ka ba? 
TD: Sa Quezon City. Sa may Sandiganbayan.
JC: Naka rehistro ka ba?
TD: Oo naman. Nakarehistro ako. Kaso nung boboto na ako nawawala na ang pangalan ko. Na-magic na.
JC: May voter’s ID ka ba?
TD: Oo naman. Nabuwisit lang ako. Ang haba pa naman ng pila. Walang ayos eh.
JC: Sungit ever? Haha! Kuya, umayos ba buhay mo sa gobyerno ni PNoy?
TD: Hindi! Wala din. Batikusin mo magbibingi-bingihan lang. Antayin ko na lang matapos. Sino naman kaya susunod?
JC: Meron kayang matinong pagpipilian? Yung hindi lang tayo mapipilitan?
TD: Meron na kayang mas magaling?
JC: Ano sa tingin mo?
TD: Malilito ka na rin eh. Puro naman magagaling magsalita eh. Pero pag naka-upo na, nagkaka-amnesia.
JC: Hahaha!
TD: Walang nababago sa buhay mahirap. Hindi naman sila mabasa eh. Di ba si PNoy dati gustung-gusto natin dahil sa mga magulang. O anong nangyari? Wala rin! Lalung gumulo.
JC: Onga!
TD: Ang daming namatay. May balat ata yun eh. Kauupo pa lang patayan agad sa Luneta di ba?
JC: Oo! Yung hostage crisis.
TD: Tapos sa Yolanda libu-libo! Mamasapano, 44. Yung bago Yolanda? Sa Bicol 585 nakitang bangkay nung gumuho yung bulkang Mayon sa Ondoy. Nabura daluyan ng mga ilog. Kaya kahit saan-saan dumaan ang tubig na may halong putik. Mahigit libo siguro patay dun pero 585 lang ang nakuha.
JC: Saan kaya ang balat nun?
TD: Alam mo si PNoy kasi bakla. Bakla yan. Marami ang nagsabi sa akin. Bakla daw talaga.
JC: Haha! Lufet! Pulit-ulit? Buti na lang hindi nya tayo naririnig. Hahaha!
TD: Silahis yun.
JC: Oh! Change agad? Ano ba talaga? Kuya, iba yung silahis, at iba pa yung bakla ha?
TD: Pwede sa lalaki, pwede sa babae….silahis.
JC: Yun!
TD: Hahaha! Tingnan mo walang gelpren hanggang ngayon. Pag nagkaroon nawawala agad. Bakla kasi.
JC: Akala ko silahis na?
TD: Malas. Yun siya, malas!
JC: Malas na silahis? Malas na bakla? Ano ba talaga kuya?
TD: Hahaha! Sino kaya maganda iboto ngayon? Wala rin eh!
JC: Wala kang mapili?
TD: Wala! Hindi na lang ako boboto. Ipaghahanap-buhay ko na lang. May pagkain pa pamilya ko.
JC: Ayaw mo na maniwala sa eleksyon? Sungit?
TD: Talaga. Wala rin eh. Lahat ng dumaan na presidente puro ganun din. Kakasawa na. Magaganda lang sila mangako. Mangangampanya. Gagastos. Pag nakaupo maniningil, may tubo pa.
JC: True ka diyan.
TD: Si PNoy hindi nangurakot pero mali ang palakad. Hindi tinupad mga sinasabi niya. Kung natupad sana, maganda. Kaso wala eh. Ni walang nagawa para sa aming mga mahihirap. Mabuti pa si Estrada sa kanya. Binoto ng mga kamag-anak ko yang si PNoy eh. Naloko!
JC: Haha! Aray di ba?
TD: Kaya, matuto na tayo.
JC: So pano?
TD: Simple. Ayoko nang bumoto, para hindi na ako maloko.

 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on