Kwentaxi by Juana C: Losing my religions


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a driver who got so lonely in Saudi, he did a comparitive study of religions.

Marvin: Mahina po ang kita, lalo na ngayon dahil malapit na pong mag eleksyon. Naghi-higpit na po ang bigayan ng PTT chaka PTC.
Juana C: Anong meaning ng mga letrang yan?
Marvin: Permit to travel po at ‘saka permit to carry. Mga October hanggang July next year na ho yung ban.
Juana C: Oh, I see! Kaya mo pinasok ang Uber?
Marvin: Opo! Maganda ang kita dito.
JC: Naman! Magkano ba ang bayad kung simpleng paayos lang?
Marvin: Kung halimbawa po puros kalawang na, at iko-chrome, mga PHP3,500 to 5,000 po.
JC: Marvin, may mga nagpapalagay ba ng diyamante o ivory?
Marvin: Ivory trim? Meron po. May nagpapa-etch din po ng gold na serial number. Yung diyamante minsan po sa grip nilalagay. Minsan may nagpapalagay ng compensator.
JC: Ano yung compensator?
Marvin: Yun po yung pinaka-nguso. Nilalagay sa dulo para less yung recoil.
JC: Made of ano yun?
Marvin: Steel po.
JC: Naaaliw ako sa iyo kasi ngayon lang ako nakakilala ng gunsmith, Marvin. Alam mo dati, ang nasakyan kong taxi driver gun runner. Ang saya din ng kuwentuhan namin. Binigyan siya ni Duterte ng beinte-kuwatro oras para lumayas ng Davao. At ang nakakaloka sa kanya, iboboto pa rin niya si Duterte.
Marvin: Eh kayo po, sino ba ang bet niyo sa presidente?
JC: Ako, ang iboboto ko yung tatakbong makikipag blood compact sa akin bilang pangakong ipakukulong niya si PNoy at lahat ng mga mandarambong ng bayang ito. At pag di niya na achieve ang pangako niya, magpapakulong siya. Yun!
Marvin: Eto mam, kung isa lang ang pwede nyong piliin, sino sa kanila: Roxas, Binay, Poe o Duterte?
JC: As of today ha, malamang blangko ako sa presidente at bise presidente. Bakit, ikaw sino?
Marvin: Kung yang line-up na yan lang ang pagpipilian, Duterte na ako.
JC: Sa anong kadahilanan?
Marvin: Tingnan nyo naman mam ang Davao. Ang mga tao dun disiplinado.
JC: Hindi lang naman takot sa namumuno at disiplina ang kailangan para umunlad ang bayang ito. Hustisyang patas sa lahat dapat meron din at di pwedeng personal na disisyon niya kung sino ang gusto niyang manatiling buhay na Pilipino noh. Haist!
Marvin: Ako po nag-abroad para umunlad ang buhay ko.
JC: Umunlad ba naman?
Marvin: Yun nga lang. Hindi! Naloko pa ako. Sabi five star hotel ang papasukan ko, yun pala restorang maganda pa ang Jollibee. Nouman Restaurant.
JC: Nakapagtapos ka ba ng college Marvin?
Marvin: Opo! Marine transportation sa PMI.
JC: Ano ginagawa nun?
Marvin: Yun po yung nagmamaneho ng barko. Yun ang kurso ng mga nagiging kapitan.
JC: Ikaw din naman nagmamaneho, ah. Hindi nga lang sa dagat.
Marvin: Magi-ipon lang sana ako ng experience sa Saudi bago ako sumakay ng barko. Kaso ho, sobra akong nalungkot dun. Sobra pang baba ng sweldo. PHP12,000 ba naman.
JC: Yun ang mas malungkot dun, yung twelve thousand. Para patulan mo pa rin, ibig lang sabihin walang trabaho dito na kayang magbigay sa iyo ng ganung sahod. Kay saklap!
Marvin: Buti na lang binata pa po ako nun. Doon nga ho, dahil sa lungkot ko, inaral ko ang Islam. Gumawa ako ng comparative study ng mga religion.
JC: Astig! Comparative study of religions. Teka, ano bang original mong religion?
Marvin: Hanggang Grade 6 po Katoliko kaming pamilya. Tapos nag Born Again po tatay ko.
JC: Siyempre damay kayo.
Marvin: Haha! Siempre po! Hanggang high school po yun. Pero sumasali din ako nun sa Baptist. Kasi po sa Born Again nako-cornihan ako dun sa (habang mimumuwestra ng kamay) hinihipo po sa nuo tapos sinasabi niya, “Anointing, anointing…” Yung iba po nagpapa-hima-himatay na. Eh nung hindi po ako hinihimatay, tinulak po ako.
JC: Stop! Stop the car!
Marvin: Huh! Bakit po?
JC: Gusto kong tumawa ng naka-stop ang car. Bwahahaha! Di ko kinaya yung tinulak ka dahil hindi ka hinihimatay. Nainip si Pastor?
Marvin: Ako po naasar. Nag-Baptist po ako dahil doon nagustuhan ko yung kantahan atsaka maraming youth.
JC: Ngayon gets ko na bakit ka nag-comparative study ng mga religion.
Marvin: Sa Saudi na po ako nagpa-convert sa Muslim.
JC: Tanong. Hindi mo ba nami-miss ang baboy?
Marvin: Yun hong paksiw na pata ng mommy ko nami-miss ko talaga dahil ang sarap ni mommy magluto nun.
JC: Di ba may girlfriend kang naiwan nung umalis ka?
Marvin: Nagalit nga po siya sa akin pag-uwi ko dahil kaya daw ako nagpa-convert para makapag-asawa ng marami. Mali pong paniniwala yun. Sinabi ko naman sa kanya na hindi puwedeng basta mag-asawa ng marami kung di mo kayang bigyan ng patas na hustisya ang lahat.
JC: So kinaya mo bang bigyan ng hustisya ang lahat?
Marvin: Sa lima ko po ibinigay ang hustisya.
JC: Sa limaaa!?!
Marvin: Opo! Kasi nabiyayaan kami ng limang anak ng misis ko. Hehe.
JC: Sharp shooter ka kuya. Sabagay, may mga taong ganyan ang paniwala. Mas maraming anak, mas malaki ang biyaya.
Marvin: Meron pa po? Nabiyayaan po kami ng libreng pabahay ni Robin Padilla.
JC: Libreng pabahay ni Robin Padilla?
Marvin: Yes po. Ang anak po kasi naming mga babae nag-aral sa dating eskwelahan ni Robin Padilla sa QC. Dun po kami nagkakilala.
JC: Ang bait naman.
Marvin: Hindi po alam ng marami yan. Atsaka marami po kaming nabigyan ng bahay, hindi lang ako. Parang condo siya na tatlong palapag.
JC: Three storey condo? Ikaw na! Naks!
Marvin: Kilala ho siguro niyo ang lolo ko.
JC: Artista rin ba?
Marvin: Opo! Kontrabida siya nung araw.
JC: Bigyan mo naman ako ng clue.
Marvin: Butas-butas po ang mukha ng lolo ko.
JC: Whe! Eh di pareho kami ng lolo mong si……..
Marvin: Si….
JC: Maaaartin Marfiiiiil!
Marvin: Hahaha! Ay! Eto na tayo sa Megamall, ma’am. Kahit ma-trapik hindi ako nainip sa sarap ng kwentuhan natin. Matutuwa ang misis ko pag kinuweto ko ito. Salamat po!
JC: Pwes, mag selfie tayo at i-hi mo ako kay misis at kay Robin Padilla. Paki sabing kailangan ko rin ng bahay.
Marvin: At dahil pwede syang magbigay ng patas na hustisya, pwede rin kayong maging…
JC: Juana C Padilla! Pak!



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on