​Kwentaxi by Juana C: Dahil walang forever


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she gets up close and personal with a taxi driver with an unusual arrangement with his wife.

Juana C: Kamusta ang buhay pag-ibig kuya?
Taxi driver: Sa dalawang anak ko po nakabuhos ang pag-ibig ko. Sa kanila na po umiikot ang mundo ko eh.
JC: Ay ganun? Anong nagaganap sa inyo ni misis?
TD: Nasa bahay naman siya. He he!
JC: Hala! Nasa bahay? Naman? Nasaan ang love kuya?
TD: Parang kaibigan na lang.
JC: Anyare? Ang dali mong nagbago?
TD: Bakit nga ba nagkaganun? Pero kung wala naman siya hinahanap ko. Kung nandyan siya, ok lang. Basta nandyan lang siya, ok yun.
JC: Parang suklay lang? Basta andyan? Paano ang sex life?
TD: Parang wala na rin eh.
JC: Kelan kayo huling nag-sex ni misis?
TD: Mga one year ago?
JC: Kelan ka huling nakipag-sex?
TD: One week ago.
JC: Magaling, magaling! Eh di wow! Alam na. Ilang taon ka na ba kuya?
TD: Thirty-nine.
JC: Ang bagets mo pa. At ang landi.
TD: Kahit masarap ang adobo, kailangan makatikim ka pa rin ng ibang putahe: sinigang, pochero… Ha ha ha! Pero hindi po ako nagse-seryoso. Ayoko pong masira pamilya ko.
JC: So para ano ang pagsasama niyo ni misis?
TD: Bilang nanay ng mga anak ko. Pero nuon, nung bago pa kami, hindi kami mapaghiwalay. Siguro po dahil na din ito sa tagal ko sa abroad. Limang taon po ako sa Japan bilang floor manager. Sa Qatar, concierge naman ako sa isang Four Seasons hotel for five years.
JC: Kelan ka lang umuwi dito sa atin?
TD: February last year po.
JC: So nung dumating ka hindi ba nag-init ang katawang lupa niyo para sa isa’t-isa?
TD: Hindi talaga eh.
JC: Hindi siya humihingi? Nangalabit? Nagparamdam? Nagsuot ng kapirasong lace na panty?
TD: Eh siguro po nahihiya. Hindi naman ako naghahanap…sa kanya. Sa totoo lang po yan.
JC: OMG! Siyempre umuuwi ka din nuon nung OFW ka. Nuon nagtatalik pa kayo?
TD: Every two years umuuwi po ako. Yung bakasyon ko pong dalawang buwan, naka-isang beses.
JC: Sinong humingi?
TD: Siya rin po. Lasing pa ako nun.
JC: Hmmmm…Hindi kaya ganyan kasi sumakabilang-bakod si misis?
TD: Hindi ko po alam pero sana nga po. Para hindi ako hanapan ng kung ano man ang kulang ko. Ang sama ko naman siguro para sabihin kong manlalake siya. Pero siguro dahil hindi ko kaya ibigay yung hinihingi niya kaya ok lang. Pero sa lahat ng pangangailangan sa bahay ako naman ang magpo-provide nyan.
JC: Pero yung humingi pa ng sex sa iyo ang asawa mo, kalabisan na?
TD: Hehe! Sobra na yun. Hehe! Abuso na.
JC: May girlfriend ka ngayon?
TD: Wala po.
JC: So pano ka nambababae? Sa bar? Masahista?
TD: Ha ha ha! Sa FB. Yung mga dati kong classmate sa high school na nakaka-chat ko. May mga asawa rin nga po mga yun eh.
JC: Mga ilan kuya yang mga classmate mo na mga lovers mo ngayon?
TD: Hindi naman po sa pagmamayabang ha, mga apat po sila. Magagaling. Palibhasa ekperyensyado.
JC: Panong magaling? Helicopter? Kamasutra?
TD: Nagugulat ako kasi lahat ginagawa. Tinatanong ko nga kung ganun din sila sa mister nila eh.
JC: Ansave?
TD: Hindi daw eh.
JC: Charot! Kuya, dapat alam mong pwede ring binobola ka lang nila ha? Sabagay, kung pagbabasehan ka, mas bibo hotdog ka sa mga classmate mo at companionship na lang kay misis.
TD: Pero basta po malinaw ang usapan namin.
JC: Anong usapan?
TD: Walang siraan ng pamilya. May pamilya ka. May pamilya ako. Init lang ng katawan ito.
JC: Ha ha ha! Atlit kinlaro mo.
TD: Merong naging dati kong siyota. Merong ang asawa nasa abroad. Meron ding may problema sa pamilya. Gusto na ngang iwan ang pamilya niya para sa akin eh. Ayoko!
JC: So mga one time big time lang yan? Wala kang sino-siyota?
TD: Siyota? Ah, wala po. Pwede ring umulit. Hehe! Atsaka, kawawa naman ang mga bata. Nag-iisip sila eh. Siguro po kung malalaki na. Kung mga college graduate na sila, yun, dun na mag desisyon.
JC: Ang misis mo ba nakaka-amoy sa ginagawa mo? Mahal ka pa kaya ng asawa mo? Tanggap ba niya?
TD: Alam po niya. Nararamdaman niya kung ano na ang sitwasyon namin ngayon. Parang magkaibigan na lang kami sa loob ng bahay. Pero magkatabi kaming matulog… kwentuhan. Mababaw lang ang kaligayahan ko. Gusto ko lang mapagtapos ko mga anak ko.
JC: Nagtatrabaho ba si misis?
TD: Public school teacher po sya.
JC: Mahirap din siguro kay misis na malamig ka. O baka mas dumali na dahil sanay na siyang malamig ka sa kanya?
TD: Baka nga nagsara na yun eh.
JC: Ay! Wag kang kasisiguro kuya. Bisitahin mo. Baka ikaw ang magulat. May alindog pa yun.
TD: Tinamnan ko ng palay yun eh. Sabi ko sa kanya, “Pag naging bigas, may bumayo. Pag napanis, may kumamay. Sabi nya, “Napaka sira ulo mo talaga. Ni hindi mo nga tiningnan. Baka tumubo na yan.
JC: Ha ha ha! 

TD: Ha ha ha! Biruan po namin yan nuon pa, bago ako nag-Qatar. “At pag nawala, may kumain,” sabi ko.
JC: Wa ha ha ha!
TD: Basta tuwing Linggo sama-sama kaming pamilyang nagsisimba. Tapos kakain kaming apat sa labas. Hindi ako bumibiyahe tuwing Linggo. Para sa pamilya ko yun. Mga anak ko pag may problema sa akin nagsasabi. Masaya ako nun.
JC: At sa bonding na yan masaya rin kaya si misis? Kung siya ang kausap ko ngayon, ano kaya ang sasabihin niya tungkol sa mga sinasabi mo?
TD: Wala akong masasabi sa asawa ko. Mabait. Maganda. Napalaki niya ng maayos ang mga anak namin. Actually, pareho kaming teacher dati. Atsaka kahit nasa abroad ako nagpatuloy yun sa trabaho.
JC: Naisip mo bang iwan ang pamilya mo?
TD: Sa bahay pa rin ako uuwi. Sumubok akong magbahay ng babae nung nasa Japan ako. Pilipina din. Ang pinakamahirap yung wala kang peace of mind. Although nasa labas, para akong naka hawla. Naiisip ko mga anak ko.
JC: Feeling guilty?
TD: Tumawag ako pagkatapos ng isang taon. Anak ko ang sumagot. Sabi sa akin, “Ano pong kasalanan namin?” Mula nun hindi na ako nagbahay ng babae. Patikim-tikim na lang.
JC: Ang puso at puson ata ay sadyang kaya ang marami. Kaso, malupit ang simbahan. Kung ako ang asawa mo, gugustuhin ko nang maging malaya. Dapat talaga may divorce na sa Pilipinas. Yung tinanim mo at pinabayaan ay sisira na sa kanyang reproductive system. Panahon na para siya ay punlaan ng bagong palay.

 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on