Kwentaxi by Juana C: Walang mapili pero may pag-asa


Got a tip? Send it to us at manila@coconuts.co.


On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she trades gossip about Mar Roxas with a driver.

Driver: Sa gate ng Balay sa Cubao lumabas yung dalawang yun eh. Writer ata ni Korina yung isa eh. Yung isa naman bading. Mga Mar Roxas sila.
Juana C: Obvious ba? Binenta ba sa iyo si Mar?
Driver: Ay opo! Marami daw tayong utang na loob kay Mar. Yun daw call center, yung generics law, yung…
JC: Utot nila. Sana alam nila ang katotohanan noh! Yung mga atraso ni Mar wala silang naaalala? Mga kamag-anak ko ang subukan nilang kumbinsihin at makakatikim sila. Mga taga Leyte yun na hinagupit ng Yolanda. Mga gigil kay Mar mga yun. Hanggang ngayon di pa nakakabangon ng matino. Siguradong zero boto niya sa Leyte.
Driver: Tinanong pa nila ako. “Sino ba ang gusto mong magda-drive sa iyo kuya? Mamili ka. Isang marunong sa daan, isang hindi marunong sa daan, isang maraming kaso o yung mainitin ang ulo?
JC: Naks! Ang bababaw naman ng hagod ng mga yan. Mar, Grace, Jejomar o Miriam? Ano sinagot mo?
Driver: Ah, sinakyan-sakyan ko na lang sila. Hindi ko naman gusto si Mar Roxas talaga eh. Pero ang pinaka ayaw ko kay Mar yung asawa niya.
JC: Ha ha ha! Itago natin siya sa pangalang Korina? Pero dapat pinarating mo nasa loob mo. At ikaw ang sumemplang sa kanilang idolong walang nagawang mabuti para sa mga mahihirap ng ating bayan. Pwe!
Driver: Yang asawa niyang si Korina malupit siya sa mga katulad naming maliliit. May nasakay akong mga empleyado ng ABS-CBN. Sinisigaw-sigawan daw ni Korina.
Juana C: Marami na rin akong kilala na nagpatotoo sa tunay na ugali ni Korina. Bruha nga daw.

 

Kwentaxi: Walang mapili pero may pag-asa

Pakinggan ang pulso ng bayan at basahin sa Kwentaxi by Juana Change: http://goo.gl/X4nFTD

Posted by Coconuts Manila on Thursday, 26 November 2015

 

Driver: Si Mar naman walang bahid…
JC: Walang bahid????
Driver: Sa pagkakaalam ko lang naman yan. Pero malayo ang puso niya sa mga katulad namin. Sinasabi nga nila may pragres pero ang nakakaramdam lang mga mayayaman eh.
JC: Korek ka diyan kuya.
Driver: Kinakabahan ako kasi itong sasakyan ko pundar ko na ito eh. Kung di maayos ang takbo ng gobyerno delikado ako. Kawawa kaming mga mahihirap. Kung malala nga ang smuggling noon, mas malala pa ngayon.
JC: Yan ang tuwid na daan!
Driver: Madalas akong makinig sa news eh. Isa ka dati sa matinding supporter ni Aquino tapos bumaligtad ka din.
JC: Natauhan ako nung makilala ko siya.
Driver: Si Duterte parang gusto ko eh. Ano tingin mo mam?
JC: Pano mo huhulihin ang mga mamamatay tao kung ang tumakbong mamamatay tao ay nanalo bilang presidente? Di ba dapat ang malakas ay ang ating mga institusyon at hindi ang tao na namumuno na takot ang pinaiiral?
Driver: Sabagay. Medyo salungat ano? Hindi dapat mamuhay ang tao galing sa takot.
JC: Korek!
Driver: Kung si Santiago naman manalo tapos matigok, ibabalik natin sa mga Marcos ang Malacanang.
JC: Utang na loob. Ayoko na! Wala nga akong mapili sa mga tatakbong presidente at bise presidente eh.
Driver: Hindi ko binoto si Pnoy nung huling eleksyon. Ikaw binoto mo siya.
JC: Kung alam ko lang nuon ang alam ko ngayon. Di sana hindi na ako nag-aksaya ng pagod, pera at panahon.
Driver: Huwag pa rin tayo mawawalan ng pag-asa mam ha?
JC: Ay kuya. Punong-puno ako ng pag-asa. Lalo pa at nakakakilala ako araw-araw ng mga taong kritikal na mag-isip at hindi basta mga sipsip. May pag-asa tayo kuya.
Driver: Salamat mam, salamat!

 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on