Kwentaxi by Juana C: Magtanong at mag-isip

On this series, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a driver who also happens to be a Makati resident bashes the Binay family.​

Driver: Lahat po ng anak ko sa Makati Med pinanganak. Dahil yun sa may Yellow Card kami.
Juana C: Wow! Ayos din si Binay di ba?
Driver: Way back 1988, ang bill ng misis ko PHP40,000. Yung isa namang anak ko na-incubator nang three weeks dahil premature siya, ang bill naman namin nuon halos PHP80,000. Ang binayaran ko dun mga PHP150.00 to PHP200.00 lang.
JC: Wow! Ang kasama ko sa bahay na si Nanay Trining, pinasok namin sa Ospital ng Makati dahil sa sakit niyang cancer na nagkaroon ng kumplikasyon sa baga: pulmonya. Ang bill umabot ng PHP200,000. Ang binayaran namin mga PHP200.00 lang. Pero hindi ko pa rin iboboto si Binay! Ikaw?
Driver: Hindi rin!
JC: Mga inggrato tayo? Wahahaha!
Driver: Bakit ko siya iboboto, eh ayaw ko sa kanya. Karapatan natin ang pumili.
JC: Maraming tao gusto si Binay dahil may pakinabang sila sa kanya. Tulad halimbawa ng mga senior citizen na may libreng sine, pa-cake at pakimkim pag birthday, di mo matitinag ang loyalty ng mga yan kay Binay. Mali eh! Gamitan?
Driver: Ang katwiran ko diyan ganito, kung trabahador ka ng gobyerno, maglingkod ka. Trabaho mo yun eh.
JC: Tumfak! Wala akong utang na loob sa iyo dahil ginagawa mo ang trabaho mo. Trabaho mo yun. Dapat lang.
Driver: At saka hindi naman niya talaga project yun eh. Tinuloy lang niya ang inumpisahan ni Yabut. MYer ako ni Toro Yabut eh.
JC: Anong MYer?
Driver: Makati Youth Development Foundation yun. 1979 pa lang nasa Makati na ako. Si Binay, 1986 lang yan pumwesto. So, alam namin ang karakas niya. Alam ko kung gaano siya kahirap. Diyan ang bahay niya sa may San Anotonio.
JC: Tama. Dati rin akong taga San Antonio. Nakasabay ko yan minsang maglakad. Naka shorts. Say ko sa sarili ko, “Sino ba itong naglalakad lang eh dami pang mga bodyguard na pahara-hara sa kalye? Di man lang lumakad sa tabi.” Pag tingala ko si Binay pala. Ang siga ng dating. Kanya ang kalye?
Driver: Hahaha! Dapat mong itanong kung papanong ang siga na yan eh nakabili ng ganun kadaming ari-arian. Simpleng tanong lang yan.
JC: Maraming nabibiyayaan ang hindi lang ayaw nang magtanong, nagbubulag-bulagan na, nabibingi pa.
Driver: Magtanong dapat. Paano siya yumaman? Saan nanggaling ang kita?
JC: Yes! Magtanong! Mag-isip!
Driver: Hindi siya mabuting tao. Samantalang akong nagtatrabaho…
JC: …ng patas…
Driver: …naghihirap!
JC: Yun ang masaklap.
Driver: Sabi niya, “Mahalin natin ang Makati, atin ‘toh!” Hindi naman eh. Naging kanya ang Makati. Sinarili niya. Pati mga puno sa Makati tinulad niya sa kanya.
JC: Bakit, anong ginawa niya sa mga puno?
Driver: Eh di ba binonsai niya.
JC: Hahaha!
Driver: Malupit siya. At kung magsalita sa TV akala mo kung sinong inosente.
JC: Pak!
Driver: Pati yang Skyway sa Makati imbes na sa Buendia, dun sa Don Bosco niya pinatagos dahil daw sa mga puno daw, tapos, puputulin din pala. Binonsai niya.
JC: Hahaha!
Driver: Nung eleksyon, pumunta pa yan dun sa amin sa may Pio, sabi, “Bakit niyo ako pinatalo dito, ha?”
JC: Taray!
Driver: Kasalanan pa ba namin yun kung ayaw sa kanya ng mga tao. Ang bahay ng anak niyan, alam niyo bang may elevator? Saan ka ba makakakita na ang bahay mong kakapraso may elevator?! Sino ka para magpalagay ng elevator sa bahay mo? Saan mo kukunin? Di ba pera ng tao yan.
JC: Sabi nila mayaman na daw sila dati pa?
Driver: Pano sila magiging mayaman, eh mga gusgusin itsura nila dati. Ang papangit di ho ba?
JC: Kuya, tama bang mamersonal? Bad yan.
Driver: Sa totoo lang naman ho. Walang maganda kina Binay.
JC: Uy, si Elenita maganda.
Driver: Hindi ho siya Binay eh.
JC: Oo nga ano. Sobra ka. Nagagandahan din ako kay Nancy! Pramis!
Driver: Wala hong maganda sa mga Binay. Lahat ho sila pangit! Pati ugali pangit! Tapos ipagmamalaki nila pinaunlad nila ang Makati? Swerte lang nila kasi commercial area ang Makati! Napaunlad ito ng mga negosyante.
JC: Ayoko rin kay Binay! Dapat patayin na ang political dynasty ng pamilyang yan. Ayoko sa Boy Scout na habang suot ang uniporme naglalakad sa ibabaw ng silya na hawak ng matitipunong lalaki. Takot sa putik. Hahaha!
Driver: Hahaha! Oo oo! Nakita ko nga yung picture na yan na kumalat sa social media.
JC: May kandidato ka na ba para sa eleksyon next year?
Driver: Kay Duterte ako!
JC: Sa mamamatay tao ka!? Kung ayaw mo sa kurap, sana ayaw mo rin sa killer. Patay tayo diyan! Hmp! Stop the car. Makababa na nga. Magtanong! Sa dami ng pinatay at pinapatay niya, bakit di pa siya nakakulong hanggang ngayon?



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on