Kwentaxi by Juana C: Ang kupal kong driver

On this column, social activist Juana Change rides taxis and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, she meets a belligerent GrabCar driver who refuses to wear his seatbelt. 

Pagsakay ko kay kuya. Hmmm, pagsakay ko kay kuya talaga? Ang pangit ata nun. Again. Pagsakay ko sa kotse ni kuya, may tumutoot-toot.

Juana C: Kuya ang ingay. Ano yang maingay?
Driver: Hindi po, maaalis po yan.
JC: Kelan?
Driver: Ngayon na po. Maaalis po yan.
(At hindi siya naalis. Tumutoot-toot nang tumutoot-toot. Si kuya dedma lang. Para akong nasa ICU at may pasyenteng any moment ay babawian ng buhay. Nakaka-irita sa totoo lang. Walang paki sa request ng pasahero. Ni ayaw niyang sabihin kung ano ang tunog at bakit tumutunog. As in ang kapal ng fez. Tumutunog ang alarm ng seatbelt dahil ayaw niyang isuot.) 
JC: Matagal ka na ba sa Grab kuya?
Driver: Mmmmm, tama lang. Mga limang buwan.
JC: Sa buong limang buwan mo nang pagmamaneho sa Grab hindi ka nagsi-seatbelt?
Driver: Hindi naman po. Pag nasa highway nagsi-seatbelt naman ako. Kaso pag dito sa loob ng Makati, gawa ng matrapik, hindi ako masyadong nagsi-seatbelt.
JC: Dami kayang aksidenteng hindi naman sa highway nangyari.
Driver: Kasi, dito naman sa trapik hindi ka naman babangga eh. Sagi-sagi lang karamihan gawa ng siksikan eh. Yung pag sa highway, pag nabangga ka, halos mato-total wreck ang sasakyan. Iba yun. Pero dito, kung sagi-sagi lang wala namang epek eh. Ang problema lang naman dito, eh, pag nahuli.
JC: OMG!!! Hayup sa katwiran ah. Haler! Batas ang mag-suot ng seatbelt kuya. Hello!
Driver: Batas talaga ho yun.
JC: So ayaw niyong sumunod sa batas? Ibang level ka kuya.
Driver: Kung matrapik nasisikipan ako eh. Habang tumatakbo ng matagal sumisikip sa tiyan ko.
(Sinilip ko pangalan nya sa phone ko.)
JC: Sanayan lang yan Ruel! Tagal mo nang nagmamaneho eh.
Driver: Ay! Yung iba pagsampa lagay agad ng seatbelt. Ako hindi.
JC: Pansin ko nga. Kanina pa ako nakiki-usap sa iyong magsuot ka pero deadma ka pa rin.
Driver: Ako, pagsampa ko, takbo agad eh.
JC: Delikado yan. Pwede kang mamatay.
Driver: Ilang beses na akong nahuli dito sa Makati, seatbelt! Mga dalawa o tatlong beses na akong nagtubos.
JC: Bale, mas gusto mo pang magbayad? Sayang pera mo.
Driver: Sayang talaga!
JC: Alam mo naman pala eh.
Driver: PHP250.
JC: Kukunin pa lisensya mo.
Driver: Ah kinukuha talaga. Pero pag sa MMDA hindi na kinukuha yan. Hindi ako nahuhuli ng MMDA. Pulis Makati pa.
JC: Sinubukan mo na lang maglagay?
Driver: Hindi! Ticket! Pag hindi mo makuha sa paki-usap, eh di ticket. Ganun lang talaga. Ilang beses na akong tumubos diyan sa kontrabersyal na city hall sa Makati.
JC: So, sa Makati ka lang nahuhuli? Sa iba hindi?
Driver: Hindi ako madalas sa ibang lugar. Yung takbong pausad-usad kasi, nasisikipan ako.
JC: Hindi naman laging trapik. Kahit papano, may panahong umaandar ka naman.
Driver: Pag sa north tsaka south expressway obligado ako. Kung maaari nga lahat ng seat belt isuot ko eh.
JC: Isuot mo ngayon kuya. Para sa kapakanan mo rin yan noh!
(Sinuot ba ni kuya? Hindi!)
Driver: Alam na rin ng driver yan. Alam na niya kung kelan siya magsi-seatbelt o hindi.
JC: Pero sabi ng batas, hindi mo desisyon yun. Kaya nga BATAS eh. Ayaw mo man o gusto, dapat kang sumunod!
Driver: Oo nga! Nagsusuot naman po ako. Pero pag ganyang sinasabi ko ngang trapik hindi ako masyadong nagsi-seatbelt. Maraming driver na hindi nagsi-seatbelt.
JC: Hindi nagiging tama dahil lang marami ang gumagawa. Kuya, kung ayaw mong mag seatbelt, huwag ka magmaneho! Alam mo kung ano ka? Isa kang malaking S T R E S S!!!



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on