Kwentaxi by Juana C: Uber Papa

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she orders an Uber and gets a dreamboat driver.

Pagkakitang-pagkakita ko sa sundo ko, sa loob-loob ko, “Oh my God!” Ang young at ang yummy ni papa.
Taxi Driver: Good afternoon ma’am. (Sabay bukas ng pinto.)
Juana C: Good afternoon din papa. (Sabay upo.)
TD: Ma’am would you like a bottle of water? (Sabay abot ng mineral water.)
JC: No, thank you. Baka may pampatulog yan.
TD: (Tawang sosyal.) Wala po.
JC: Naku mahirap na. Sa dami ng krimen ng mga taxi drivers ngayon mahirap magtiwala kahit na pogi ka pa at natutuyo lalamunan ko sa pagka-pogi mo. This can be a hold-up, rape or murder noh! Ayaw! Aba, at may dessert glass ka pa talaga na may candies ha. Style!
TD: At Fox po yan ma’am ha, hindi Mentos.

JC: Haha! Kotse mo ba ito? Ok ba ang Uber?
TD: Opo, akin ito. Ok naman po. Malaking tulong sa akin.
JC: Wala sa itsu mong kailangan mo ng tulong pinansyal.
TD: Hindi po! Kailangan din.
JC: Sa mga nachika ko, mas ok ang Uber sa mga driver nila nuon kasi nagbibigay sila dati ng PHP150 per trip. Ngayon daw PHP30 na lang at may nagsabi pa sa aking baka alisin na din yun. Galante lang daw sila nung una pero ngayon babawi na. True? Ikaw, ba full time dito?
TD: Lumiit na nga po ang bigay nila. Part time ko lang po ito. Buti na lang akin din ang sasakyan.
JC: Ano ba ang tunay mong raket?
TD: Concierge po ako sa Makati Shangri-La. Kaso po tatlong taon na casual pa rin po ako.
JC: Parang SM lang ang peg? Ayaw ng regular employees. So kung casual, talagang maliit nga ang sweldo mo.
TD: PHP12,000 po a month.

JC: Toink! So kelan ka nag u-Uber? Mas malaki kita mo dito I am sure.
TD: Di hamak! Paglabas ko po sa work hanggang antukin. Minsan po kumikita ako dito ng PHP4,000 sa isang araw. Kasi po ang ginagawa ko minsan, pag may price surge lang ako lumalabas. Hehe! (Ang surge sa Uber ay kung saan ang metro mo ay pwedeng doble o kahit pa five times ng normal na metro. Nagkakaganito pag matrapik, maulan o malaki ang demand.)
JC: Huwow! At malaking tulong na kotse mo din ito. Pero leche ka! Kaya lalo kaming napapamahal kasi pag may surge ka lang lumalabas. Bad yun. Ang sama na nga ng loob ng mga taxi drivers at operators sa Uber dahil sila ni hindi makapagtaas ng presyo at uber lugi sila pag matrapik pero ang Uber nakakagawa ng sariling price scheme. At pag trapik doon kayo lalo nakakataga. Kawawa kaming mga pasahero.
TD: At least may extra choice kayo bukod sa ordinaryong taxi.
JC: Welll, may tama ka. At sa Uber mas safe and pasahero at ang driver sa totoo lang. Di lagi ka nang nasa labas ng bahay. At least may mas malaki kang income kesa sa irrrrregular job mo. Hehe!
TD: Pang iwas barkada at gimmick ko po itong Uber. Malaking tulong pa sa pagbayad ko ng mga bills ko. Iwas pa sa pakikinig ng mga argumento sa bahay namin. Ang gulo nila.
JC: Ay! Me pinag-dadaanan din sa home?
TD: Hehe!
JC: At I bet hinahala ka din ng mga pasahero mo.
TD: May ganun din po. Yung mga nagiging pasahero ko po, dahil alam nila ang celphone namin eh tinuturuan pa po ako. Pumunta na daw ako kung nasaan sya at pag andun na ako tsaka ako mag-online para siguradong ako ang maka pick-up sa kanila.
JC: Sa itsu mong yan, baka naman nadadagdagan nga ang kita mo, eh mapariwara naman ang katawan mo hijo? Sa uber pagod at pagnanasa ng mga pasahero sa laman mo.
TD: Salamat po sa advice.
JC: Lapit ka nga sa akin.
TD: Huh? Bakit po?
JC: Pa-selfie lang. Sus, ‘to naman! Hindi pa ako handang maging cougar.

 

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– Rockstar, a Vilma Santos-quoting polyamorous taxi driver
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when given to babies

Pagsuway sa Senadora

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button. 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on