Kwentaxi by Juana C: Ituloy ang VFA

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week, a taxi driver joins the call for justice for slain transgender woman Jennifer Laude.

Taxi Driver: Mommy, grabe ang ginawa kay Jennifer di ba? 
Juana Change: Mommy talaga? Anak ba kita?
TD: Para na rin kasi kayong nanay namin eh. Haha! Ano gusto nyo?
JC: Ahhhmmm…. Sweetheart. Sweetheart na lang.
TD: Ayos! Switart, biruin mong ilublob yung tao sa inodoro hanggang sa mamatay. P#$%- ina!
JC: P?>&@#$%^& talaga! Tingin mo ba mapapakulong sa Pilipinas yang si Pemberton? 

TD: Naku mommy! 
JC: Uhm uhm…
TD: Palalagas ko lahat ng ipin ko bago ako papugot ng ulo kung mapakulong yan dito.
JC: Parang sure kang hindi ah.
TD: Nakalimutan nyo na ata yung nangyari dun sa nang-rape kay Nicole. Sa tingin ko inareglo ng mga Kano yun. O di ba ngayon nasa Amerika na! Ni-rape ng Kano. Ngayon asawa ng Kano!
JC: Haaaaay!
TD: Praktikal lang! Walang panalo ang inaapi lalo na ang mahirap kung iaasa ang hustisya sa hustisya natin. Ang Pilipinas tuta ng kano. Si PNoy tuta din yan. Sa tingin mo ba bibitawan nila ang VFA para sa isang bakla? Bakla lang si Jennifer sa tingin nila.
JC: Bakla lang? Sa ting…
TD: …Kung ako nanay ni Jennifer, alam nyo kung ano gagawin ko?
JC: Ano? 

TD: Tutal rin lang walang manyayari sa kaso, pepresyuhan ko buhay ng anak ko. Hihingi ako sa Amerikano ng mga one hundred thousand dollars. Tapos…
JC: …Tapos ano?
TD: Patitira ko yang si Pemberton. May pera na ako, may hustisya pa para sa anak ko.
JC: Parang ganun lang kadali ah.
TD: Bakit? Kung tayo ba ang magkasala pag nasa Amerika tayo pwede tayong itago ng gobyeno ng Pilipinas? Hindi di ba? Pero pag sila gumawa ng kasalanan sa bayan natin, protektado sila! Anong klaseng gobyerno ang papayag na mangyari yan sa isang taong walang habas na pinatay? Gobyernong pulpol na walang pagkilala sa tao! Gubyerno ni PNoy! (Biglang mananahimik ang taxi driver.)
JC: (JC notices tears rolling down the cheeks of driver) Kuya, ok ka lang?
TD: Kasi ho kung ako ang sakyan ng mga Amerkanong militar ngayon, sa galit ko po sa nangyari kay Jennifer baka po ako makapatay eh.
JC: Wag naman. Buti pa kayo may ganyang pag-unawa. May kamag-anak po ba kayong bakla?
TD: Wala! Bakit kailangan ba meron para ko maunawaan? Hanggang Grade 6 lang ho ako. Ay! Grade 5 en-ehap nga lang pala. Ni hindi ko pala nabuo Grade 5 ko. Pero ang sabi sa akin ng nanay ko, “Anak, madali ang maging tao pero napakahirap magpakatao. Lahat ng kulay, itsura, klase at antas ng tao sa lipunan ay respetohin mo!”
JC: Ganda ng sinabi ni nanay! 

TD: Mommy… 
JC: Ang kulet! Sinabi nang sweetheart di ba?
TD: May rally ba kayo? Magsuot ka ng inodoro sa ulo mo. Kunyari ikaw ang multo ni Jennifer.
JC: Uy pwede! 

TD: Sabihin mo, “Laude, loud and clear ang iyong mensahe na ituloy ang VFA!
JC: Ituloy ang VFA??? 

TD: Vadafs Faalisin si Aquino!

This conversation occured on Oct 15 in a taxi ride from Amoranto Stadium in Quezon City to Makati. Photo: Geric Cruz

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
– Mama Mary, when male passengers make a pass on taxi drivers
– Rockstar, a Vilma Santos-quoting polyamorous taxi driver
– BearBranin mo, a driver extols the undiscovered virtues of a milk brand when given to babies



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on