Kwentaxi by Juana C: Tomoh!

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she meets a taxi driver who, without a high school degree but with sheer determination, was able to raise six successful children.

Juana C: Pinuyir po! Kamusta po byahe pagkatapos ng Pasko?
Taxi Driver (Gabino): Trapik na po ulit at pasukan na.
JC: Walang pahinga sa katrapikan?
Gabino: Meron naman po. Nung Linggo. Isang araw.
JC: Ang haba! Hehe! Kuya, may epekto po ba sa mga taxi driver ang pagtaas ng presyo ng LRT at MRT?
Gabino: Aba opo! Ang anak ko ho nag e-LRT 2. Yung pamasahe nyang 15 pesos naging 25. Mga 80%  ho atang pagtaas yun ah. Tama ba? Tarantado ho talaga yang mga taga DOTC. Sa kapalpakan nila nakuha pang magbigay ng mas matindi pang pasakit sa maliliit.
JC: (Pinalaki ko boses ko) Tomoh!
Gabino: Ano ho yung (pinalaki din nya boses nya) tomoh?
JC: Korek ho! Check! Tama ang sinabi nyo! Pak! Sabi nga sa akin nung isang taxi driver, mas masahol pa daw sa sardinas ang LRT at MRT eh.
Gabino: Bakit daw po?
JC: Pag rush hour, mas may pag-asa pa daw na gumalaw ang sardinas sa loob ng lata kesa ang tao sa loob ng MRT.
Gabino: (Sabay tawa at inulit pa) Tomoh!
JC: Mang Gabino, dahil kayo ang nagbibigay ng pamasahe sa anak nyo eh di kayod pang lalo?
Gabino: Pinatitigil na nga ho ako nung CPA ko eh. Tigilan ko na daw ang pagmamaneho.
JC: Bakit daw ho?
Gabino: 43 na taon na kasi ako sa likod ng manibela. Tama na daw yun at di na naman kailangan. Nagbibigay sila sa akin pero gusto ko pa ring magmaneho.
JC: Kasi boring kung sa bahay lang at hindi na naman mahilig si misis mag-sex lagi, di ba ho?
Gabino: (Tumawa muna ng malakas.) Tomoh!
JC at Gabino: (Duet) Tomoh!!!
Gabino: Anim ho ang anak ko. May CPA at computer engineer ako sa Amerika. Isa sa Singapore, manager na computer programmer. Isa nasa Switzerland kasi pinadala duon ng Accenture, programmer din. Yung sa UE ko accountancy. At yung isa naman nag o-opisina sa National Bookstore. Apat ang babae ko. Ang isa tomboy.
JC: May isyu ba kayo na tomboy ang anak nyo?
Gabino: May mga bagay na tinatanggap. At ang anak kong tomboy tanggap na tanggap yan. Buo!
JC: Mabuhay ang tatay na tumatanggap sa anak ng buo! Ano ho ang secret nyo na lahat ng anak nyo ay maayos?
Gabino: Secret? Pag ho may pagkain eh di kain ka lang.
JC: Yun ho ang secret nyo? Kumain?
Gabino: Secret ho ba yun?
JC: Kayo ho ang nagsabi.
Gabino: Ibig ko hong sabihin dun ay wala po akong secret. Masikap lang po talaga silang lahat na mag-aral. Sabi ko lang na samantalahin nila habang may lakas pa ako. Graduate ako ng Grade 6. Nanay nila ni hindi umabot ng Grade 6 pero sa tulong ng manibela nakatapos silang lahat.
JC: Wow!
Gabino: Nasa apelyido ko ho suguro ang secret ko.
JC: Hulaan ko ho apelyido nyo… Manalo!
Gabino: Tomoh!
 

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
Uber Papa, Juana C orders an Uber and gets a dreamboat driver
Huwag kang gago, Juana C teaches a wily taxi driver a lesson he’ll never forget
Soria, Juana C meets the taxi driver from hell
Kaerus, Juana C meets a taxi driver who lucks out with his youngest child
 

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button. 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on