Kwentaxi: Dalawang Pasko

Go (coco)nuts! Share this story with your friends.

 

On this series, social activist Juana Change rides a taxi and talks to drivers about life and living in Metro Manila. This week she writes about her experience with two senior citizen drivers 10 years apart — one of them is positive and hopeful, the other is negative and bitter.

Isang panahon, dalawang kwento. Sakay nila ako. Isa papunta sa Solaire at ang isa papunta sa Emerald Restaurant. At sa pareho, kasama ko ang aking mga kaibigang balikbayan mula sa Australia.
Juana C: Kamusta naman ang biyahe ngayong kapaskuhan kuya?
Taxi Driver 1: Grabe ang trapik.
Taxi Driver 2: Ayos naman po.
JC: Kamusta ang biyahe ngayon?
TD 1: Eh pano naman kung ang trapik hindi gumagalaw? Nitong Miyerkules lang nagsakay ako ng pasahero mula Cubao hanggang airport, abutin ba naman kami ng limang oras. P!@#$%-inang buhay ito! Eh kaya kong kunin yun ng beinte minutos kung walang trapik. Kung bata-bata ang drayber kahit 15 minutes kaya.
TD 2: Ayos kahit matrapik! Sinasamantala ho at maraming pasahero. Walang taxi drayber na bakante ngayong mga panahong ito.
JC: Kamusta naman ang laman ng wallet these days?
TD 1: Laman ng wallet ba kanyo? Surot ho ang laman ng wallet ko. Pag may nagsabi sa inyong drayber na malaki kita nya ngayon naghahambog lang yun. Mabuti pa nung isng taon, dalawang linggo kong biyahe bago mag Pasko hanggang bagong taon may PHP25,000 na ako. Ngayon ang tindi na masyado ng trapik. May panahong walang galawan ng ilang oras. P%!$ng inang buhay ito. Gutom ang Pasko. Kawawa ang pamilya ko.
TD 2: Hindi na ho ako lumalayo dahil sa trapik. Paikot-ikot na lang ako dito sa Solaire, City of Dreams, Roxas Boulevard. Nakakatikim ho ako ng dalawang-libong kita sa isang araw. Nakaka-doble! 
 

Polar opposiite: Negative (left) and positive (right).

JC: Ano ho ang pwede nating ipag-pasalamat sa life ngayong Pasko o wish kaya?
TD 1: Ako ho 71 na. Salamat po at nakakapag maneho pa at malinaw ang mata. Eh sana ho patuloy lang ako na ganito. Huwag lang magkakasakit at lagi pa ring makakabasa ng Bulgar, Pang Masa at Ngayon tuwing umaga. Mga pampa-antok ko po yun eh.
TD 2: Ako 61 years old na. Sa dinaranas kong hirap, wala eh!
JC: Maiba naman, ano ho ang masasabi nyo tungkol sa presidente natin ngayong Pasko?
TD 1: May nasakay akong pasahero na nagtatrabaho sa palasyo. Siya mismo nagsabi sa akin na may sampung bakla daw sa Malacañang. Si PNoy mismo bakla daw. Grabe siya! Parang siya lang nakaka-alam kung sino ang nagkakamali at sino dapat parusahan. Pag kaalyado nya, tama. Pag kumokontra, mali. At pag guwapo, swerte! 
JC: Hahaha! Wagas ka makalait kuya. Ikaw na ang negastar. Ang boss ok lang na maging bakla. Pero hindi ok kung pogi at prends lang ang may swerti at tama. Kung bakla man si PNoy, pero sa tingin ko hindi naman, shoke ata ang mas tamang tawag sa kanya. Whaaa! 
TD2: Niloko ho niya tayo. Kasinungalingan yung tayo ang boss. Hindi ho tutoo yun. Walang nagbago. Hindi ko na ho sya iniintindi.
JC: Ang positive mo kuya. Mabuhay ka! Sa kwento at attitude mo, hindi Pasko ang merry, Ikaw!

MORE KWENTAXI BY JUANA C:
Uber Papa, Juana C orders an Uber and gets a dreamboat driver
Huwag kang gago, Juana C teaches a wily taxi driver a lesson he’ll never forget
Soria, Juana C meets the taxi driver from hell
Kaerus, Juana C meets a taxi driver who lucks out with his youngest child
 

Want to read more? Scroll down and click the ‘next post’ button. 



Reader Interactions

Leave A Reply


BECOME A COCO+ MEMBER

Support local news and join a community of like-minded
“Coconauts” across Southeast Asia and Hong Kong.

Join Now
Coconuts TV
Our latest and greatest original videos
Subscribe on